Monday, March 12, 2012

My dearest Aileen,


At this very day, dito nagsimula ang lahat. Nagsimula sa lokohan at tuksuhan na nauwi sa seryosohan. It's been a year. Ang bilis ng panahon 'no? Ang sarap balik-balikan noong mga araw na 'yon. Naalala ko kung paano ako nahulog sa'yo. We were classmates during our elementary days pero hindi man lang sumagi sa isipan ko na ikaw pala ang babaeng makakasama ko habang-buhay. Akalain mo. Hehe


Alam mo ba na every human being uses fifteen muscles to smile at ikaw, you just only used fifteen muscles to make me go gago. Haha. Ikaw ang Operating System at CPU ng aking buhay. :) Buti na lang at after so many years pinagtagpo ulit tayo at ayun ang turning point of everything. Napakaswerte ko at ikaw ang ibinigay sa 'kin ni Papa God. Wala na akong mahihiling pa. God has given me so much. Ngayon, may little angel pa tayo galing kay Papa God. Ang galing talaga Niya gumawa ng tadhana 'no? :) And to make this short and simple, sa araw na ito nagsimula ang love story natin dalawa. :)  

















 Happy Aniversary Baby! Mahal na mahal kita!